.:[ Wednesday, July 06, 2005 ]:.
I have moved. I am now at Friendster. My BLOG
My PROFILE
by T.W.I.S.T.E.D at
11:45 AM
|
.:[ Tuesday, March 15, 2005 ]:.
Si Dao, Jenny, Mara at AguilosSa tinagal-tagal ng aking panonood ng mga telenovela at teleserye narito ang mga ilang generalizations na aking naipon: - Karaniwang mahirap ang isa sa mga bida. Usually, ang babae ang mahirap. Sa kalagitnaan ng kwento, malalaman mo na lang na ang mahirap na bida pala ay ang nawawalang anak ng isang napakayamang haciendero o haciendera.
- Karamihan ding mga ampon o galing sa mga bahay ampunan ang bida. Mas masaya din kung naipalit ang bata noon ipinanganak siya.
- Walang kwenta ang plot kung hindi magkaka-amnesia ang bida. Karaniwang bidang lalaki ang mga nagkaka-amnesia dahil sa isang aksidente. Sa panahon na may amnesia siya, makakalimutan (syempre) niya ang kanyang present girlfriend at mai-inlove siya sa isang babaeng may koneksyon sa kanyang gf.
- May kontrabidang walang kasing sama at lupit. Magpapaka-martir ang bida kahit ka ga-hibla na ay papatayin na siya.
- Nauuso na rin ang mga storya ng mga nai-inlove na magkapatid. Mabuti na lang at sa kalagitnaan ng serye, malalaman na lang natin na ampon pala ang isa. (See # 2)
- Kailangan ding nakapalda ang mga bidang babae kung sa probinsya sila nakatira. Maigi din kung mahaba ang buhok ng mga ito.
- Sa isang lihim ng nakaraan iinog (naks) ang kwento. Isa sa mga main character ang may hawak ng lihim. Sa kanyang deathbed niya ito ire-reveal. Pwede ding isang diary ang naglalaman ny lihim.
Sa kasal kadalasang nagtatapos ang mga telenovela
Ewan ko kung nabago na ang mga plot ng mga bagong telenovela ngayon. Mula kasi ng marating ng cable TV ang probinsya naming ay sa mga reality shows na ako na-aadict.
by T.W.I.S.T.E.D at
3:46 PM
|
.:[ Friday, January 14, 2005 ]:.
Mga Games noong panahon ng Satanismo
Introduction
Naalala mo pa ba noong panahon na uso ang Satanismo? Sa mga hindi nakakaalam o nakaka-alala, ang Satanismo ay kulto ng mga nangunguha ng mga palaboy na bata. Ayon sa legend, kinukuha daw nila ang dugo ng mga bata at inaalay sa kanilang panginoon. Meron ding mga nagsasabi na ang Satanismo raw ay front lamang ng mga gumagawa ng tulay at daan in short, mga taga public works. Ang dugo ng mga bata raw kasi ay inihahalo sa mga semento upang lalong tumibay ang mga tulay. Grabe talaga ang mga Urban Legends (este Rural pala dapat kasi promdi ako) noon. Tumanda na ako, pero wala pa akong kilala na nakidnap ng mga miyembro ng Satanismo na yan.
Ang mga Game Rules/Hints
- Bawal magpakita ng lips o ipin sa larong piko (sig-king).
- Dapat dalhin ang mga lucky pamato saan ka man magpunta. Malay mo, magkaroon ng piko sa pupuntahan mo. Ako dati, nilalagay ko sa school bag ko ang aking mga lucky pamato kaya. Dapat eveready ako.
- Dapat mong ihipan ang pamato mo bago mo ihagis sa piko. Sa ganitong paraan, mako-control mo ito para babagsak sa tamang lugar. Mind over matter kumbaga.
- Mas mainam gumamit ng pudpod na tsinelas sa larong arigidigiding (di ko sure ang pangalan) dahil mas madaling iyupi ito. Kabaliktaran naman sa larong tumbang preso, mas makapal, mas malakas ang tira. The bottomline: Kailangan ng two sets of slippers, bago at luma.
- Bawal ang teks na may punit (prekit) na pantira kasi laging nakaharap yun pagbagsak. Hindi ko alam hanggang ngayon kung may kinalaman ito sa Physics.
- Dapat tanggalin ang tsinelas kung takbuhan o luksong-tinik ang laban kasi mas mabilis kang makakatakbo at mas mataas ang talo mo kung naka-paa ka.
- Sa larong baril-barilan, hindi ka tatamaan kung ikaw ay tumatakbo. Mas lalong hindi ka tatamaan kung nasa likod ka ng kahit anong bagay, mapa-kahoy o sang yan na may diameter na 2 inches o tingting man yan.
- Bawal ang double kick sa larong kick-ball. Samantala, sa larong shato (sha-tong), mas marami kang score kung twice mong natira ang maliit na stick. Yun kasi ang gagamitin mong pang-measure ng distance at hindi ang pamalong stick.
- Mag-contribute naman kayo.
Mga Game Jingles:
- Monkey-monkey
Monkey, monkey, Anabel. How many monkey did you see? 3. 1-2-3. In a riki-tiki-tik and a blue-black sheep and Y-E-S. - Taguan
Tagu-taguan maliwanag ang buwan (kahit sa katanghaliang tapat). Tayo’y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. 1-2-3-4-5-6-7-8-9-10. (Tatlo daw o!) - Lelon-lemon (sa jumping rope ito)
Lemon, lemon, pineapple pie. Tell me the name of your sweetheart. A-B-C-D-E-…. Hanggang sa masagi niya ang lubid). Example sa G. Goryo, Goryo do you love Leah? Yes or No. - Sa mga bata nung panahon ng mga Satanista, paki-add lang sa comments yung mga iba pa. Thank u!
Ayan may dagdag na: - From franz: Good morning titser, good morning class, our lesson for today is mathematics, one plus one - ay ewan, 2 + 2 - i do not know,3 + 3 - im beri sori, very bad very bad, 75, now let's go to ispelling, ispel cat-kakaratkarat, ispel dog-dudurogdurog, ispel mother- MOTHER, my mother went to the i i I, to see what to see to the i i I, my mother went to the love-love-love, to see what to see to the love-love-love, my mother went to the u-u-u, to see what to see to the u-u-u, my mother went to the I LOVE YOU. *sabay freeze at taya ang unang gagalaw*
- From Franz ulit: mangga manga hinog ka na ba?. oo oo hinog na ako, kung hinog ka na ay umalis ka na. A-LIS!
- Heto pa pala: Dondon bridge is poleng down, poleng down, poleng down, Don-don bridge is poleng down, my FIRST lady. Translation: London Bridge is falling down, Falling down, Falling down, London Bridge is falling down, My fair lady.
by T.W.I.S.T.E.D at
4:10 PM
|
.:[ Friday, January 07, 2005 ]:.
e-Draft
I made Jun a lay-out for his own site. Under construction pa nga lang. Contact Arch. Reuben T. Manongdo for your architectural designs. Here is one of his recent designs. This building will be constructed near La Union National High School in San Fernando City, La Union
by T.W.I.S.T.E.D at
3:02 PM
|
.:[ Monday, January 03, 2005 ]:.
Kwentong New Year at New Year's Resolutions
Mga natutunan ko noong New Year:
- Bawal kumain ng manok dahil Year of the Green Rooster ngayon. Yan ang sabi ni Auntie Liling. Magagalit daw ang rooster. Kung kakain ka raw ng manok, magiging isang kahig-isang tuka ang buhay mo.
- 1 x 1 = 2.
Habang binabasa ang nabunot niyang number noong HYC New Year Party
Arianne(emcee): Ang next number ay nasa under B sa Bingo. Sagutin nyo ito: one times one? Dan (aka Pandong): TWO!!!! Sayang number 1 ako. (bwehehehehehe).
- I-night mode ang camera kung gabi na, dahil kung hindi, mangingislap ang mga mata ng subjects mo.

(Twinkle, twinkle little eyes!) - Huwag magpapa-picture suot ang red collared blouse na naka red visor dahil magmumukha kang crew sa fastfood. Lalong lalo na kung sa kusina ka pa magpapa-picture kasama ang boyfriend.

"Can I take your order, sir?"
Go Jason!! Masarap ang salad kasabay ng Mule at red wine. Di nga, masarap cya promise. 
Maboteng usapan ni Belen, Perla at Faye Heto pa ang mga kakatuwang pics kuha noong New Year's eve at New Year: 
The Hilltop Youth Club kids 
Si Mang Kepweng 
Extra Challenge, HYC Style. Ang sarap ng kape.

Nakaka-high ba ang kamatis at frutus candy, Leo? 
Ang sarap ng kamias! 
Anong klaseng pasas ito? 
Di ko kayang tanggaping maasim ang kamias. 
Spelling naman. 
Steve (Apple eating contest): Hindi kaya ito ang mansanas na lumason kay Snow white? 
Bring me------- dalawang kuto! 
Ang walang kamatayang Trip to Jerusalem Ang aking mga New Year*s Resolutions: - Mag-iipon na ako
- Magda-diet na ako. OO, totoo na ito ngayon. (Sinong niloko mo?)
- Mas maagang matutulog
Mas maagang magigising
Pahabol: Gusto kong magpasalamat sa mga sususunod na tao: - Kay Ate Vangie: sa nailcutter. Kahit 1 centimeter na kuko sa paa, kaya nyang putulin. Ang saya ko!
- Kay Ate Brenda: sa bulaklaking panyo. Ang bango-bango ng bulaklak.
- Kay Ate Raks: sa celfone accessory. Uy, tamang-tama, violet ang color of the year.
- Kay Jun: sa malaking medyas na pinalitan naman nya, sa Parker, sa red visor.
- Kay Josh and Humbi: sa asong stuffed toy. First time kong naglagay ng stuffed toy sa kama ko sa tanang buhay ko. Cute kasi e.
- Kay Maam Virgie: sa kumot. Ginagamit ko ngayon
- Kay Maam Minda: sa Bench tanga. Ang sexy ko kaya!
- Kay Hilda at Aunt Tessie: sa pinadala nyong isda at crabs, yum!
- Kay Cel at Xan: sa bag. Ang galling nyong tumayming. Hoy Xan, nabayaran mo na ba yung share mo sa gift ko? Baka singilin ka ulit ni Cel.
- Sa opisina: sa bonus na binigay na pinambili ko ng digital camera.
- At sa mga nakalimutan ko. Maraming salamat sa inyong lahat!!!
by T.W.I.S.T.E.D at
1:52 PM
|
.:[ Wednesday, December 22, 2004 ]:.
**Burp-day at Xmas Party** Birthday ko last December 20. Paano ba dapat ise-celebrate ang birthday to make it special. Hindi ko alam. Basta, masaya nung birthday ko.
Define masayang birthday? Masaya=busog, maraming tawa, sangkatutak na kuwentuhan at nakakatuwang regalo. Busog - The Venue (chopsuey, honey chicken, sweet and sour pork, beef with brocolli, choco peanut ice cream) Tawa - Spell T-H-O-U-G-H-T. Tee, Eetch, Ow, Yu, Ji, Eetch, Tee Kwentuhan - Ang English exams ni Cel, kung bakit na late si Donna, ang 5 favorite shorts ni Aya at napakarami pa. Gift - Medyas na maluwang (hehehe)
Kahapon ang Christmas party dito sa office. May binigay na groceries pero sa mga naunang 200 lang. Sorry sa mga iba. May pa-raffle, may pa-bingo. Hindi man lang ako nanalo. Si Brenda mapalad sa mga raffle. Nanalo siya ng groceries (ulit). Pero si Rena ang pinakamapalad kahapon. Nanalo siya ng tandararan...... CAN OPENER. Ilang tao na ba ang nababalitaan mong nanalo ng can opener? Konti lang ang mga taong mapapalad na nananalo ng can opener sa mundo kaya Rina: Congrats!!!
Congratulations to Charina Macalino for placing 2nd in the recently concluded Regional School Press Conference (Feature Writing- Filipino). She will be competing in the upcoming national competitions in February 2005 in Surigao.
by T.W.I.S.T.E.D at
3:49 PM
|
.:[ Wednesday, December 08, 2004 ]:.
My Name is:
- Jonalyn - my legal name. It was given to me by my Lola Ansing. Jonalyn was one of the brightest student of Uncle Pete. Uncle Pete was a famous Ilocano radio program noong panahon ng Hapon
- Leah - my official nickname. It should have been my second name but my folks thought that Jonalyn Leah is too long. Baka daw bobo ako paglaki at hindi ko makayanang isulat yun sa pad paper ko.
- Jona minsan Jonah - what my highschool and college friends and my office mates call me. It is a masculine name, di bale maskulado naman ako kaya okay lang.
- Onang - this is what the whole IV-SHA Batch XX calls me. We also have Iyang, Inshang, Bi-bit, May-yang, Mimay, Yamo, Cardo, Dolpet, Panyeng, Kap-peng in our class.
- Jonana - tawag ni ate Jang sa akin. Parang kadiri kasi NANA
- Jonakid - tawag ni ate Raks sa akin. From the milk brand, Bonakid
- Jon o kaya Jons - tawag ni Jun sa akin. Uy, Jun and Jon....
- Juna - tawag ni Rina sa akin. I cal her Rena in return
- Jones - tawag (yes, ganyan ang spelling nya sa text) ni ate Weng sa akin. Parang Indiana Jones. Feeling ata talaga nila lalaki ako.
- Tia - Tawag ni Dindin sa akin. Hindi pa nya kayang sabihin yung Tita Leah kasi.
- Laya - Tawag ni ate Divina sa akin. Noong bata ako, umiiyak ako pag tinatawag nya ako ng ganyan.
- Nalyn - Tawag ni ate Renz sa akin.
Ikaw, how do they call you?
by T.W.I.S.T.E.D at
1:58 PM
|
|