.:[ Friday, January 14, 2005 ]:.
Mga Games noong panahon ng Satanismo
Introduction
Naalala mo pa ba noong panahon na uso ang Satanismo? Sa mga hindi nakakaalam o nakaka-alala, ang Satanismo ay kulto ng mga nangunguha ng mga palaboy na bata. Ayon sa legend, kinukuha daw nila ang dugo ng mga bata at inaalay sa kanilang panginoon. Meron ding mga nagsasabi na ang Satanismo raw ay front lamang ng mga gumagawa ng tulay at daan in short, mga taga public works. Ang dugo ng mga bata raw kasi ay inihahalo sa mga semento upang lalong tumibay ang mga tulay. Grabe talaga ang mga Urban Legends (este Rural pala dapat kasi promdi ako) noon. Tumanda na ako, pero wala pa akong kilala na nakidnap ng mga miyembro ng Satanismo na yan.
Ang mga Game Rules/Hints
- Bawal magpakita ng lips o ipin sa larong piko (sig-king).
- Dapat dalhin ang mga lucky pamato saan ka man magpunta. Malay mo, magkaroon ng piko sa pupuntahan mo. Ako dati, nilalagay ko sa school bag ko ang aking mga lucky pamato kaya. Dapat eveready ako.
- Dapat mong ihipan ang pamato mo bago mo ihagis sa piko. Sa ganitong paraan, mako-control mo ito para babagsak sa tamang lugar. Mind over matter kumbaga.
- Mas mainam gumamit ng pudpod na tsinelas sa larong arigidigiding (di ko sure ang pangalan) dahil mas madaling iyupi ito. Kabaliktaran naman sa larong tumbang preso, mas makapal, mas malakas ang tira. The bottomline: Kailangan ng two sets of slippers, bago at luma.
- Bawal ang teks na may punit (prekit) na pantira kasi laging nakaharap yun pagbagsak. Hindi ko alam hanggang ngayon kung may kinalaman ito sa Physics.
- Dapat tanggalin ang tsinelas kung takbuhan o luksong-tinik ang laban kasi mas mabilis kang makakatakbo at mas mataas ang talo mo kung naka-paa ka.
- Sa larong baril-barilan, hindi ka tatamaan kung ikaw ay tumatakbo. Mas lalong hindi ka tatamaan kung nasa likod ka ng kahit anong bagay, mapa-kahoy o sang yan na may diameter na 2 inches o tingting man yan.
- Bawal ang double kick sa larong kick-ball. Samantala, sa larong shato (sha-tong), mas marami kang score kung twice mong natira ang maliit na stick. Yun kasi ang gagamitin mong pang-measure ng distance at hindi ang pamalong stick.
- Mag-contribute naman kayo.
Mga Game Jingles:
- Monkey-monkey
Monkey, monkey, Anabel. How many monkey did you see? 3. 1-2-3. In a riki-tiki-tik and a blue-black sheep and Y-E-S. - Taguan
Tagu-taguan maliwanag ang buwan (kahit sa katanghaliang tapat). Tayo’y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. 1-2-3-4-5-6-7-8-9-10. (Tatlo daw o!) - Lelon-lemon (sa jumping rope ito)
Lemon, lemon, pineapple pie. Tell me the name of your sweetheart. A-B-C-D-E-…. Hanggang sa masagi niya ang lubid). Example sa G. Goryo, Goryo do you love Leah? Yes or No. - Sa mga bata nung panahon ng mga Satanista, paki-add lang sa comments yung mga iba pa. Thank u!
Ayan may dagdag na: - From franz: Good morning titser, good morning class, our lesson for today is mathematics, one plus one - ay ewan, 2 + 2 - i do not know,3 + 3 - im beri sori, very bad very bad, 75, now let's go to ispelling, ispel cat-kakaratkarat, ispel dog-dudurogdurog, ispel mother- MOTHER, my mother went to the i i I, to see what to see to the i i I, my mother went to the love-love-love, to see what to see to the love-love-love, my mother went to the u-u-u, to see what to see to the u-u-u, my mother went to the I LOVE YOU. *sabay freeze at taya ang unang gagalaw*
- From Franz ulit: mangga manga hinog ka na ba?. oo oo hinog na ako, kung hinog ka na ay umalis ka na. A-LIS!
- Heto pa pala: Dondon bridge is poleng down, poleng down, poleng down, Don-don bridge is poleng down, my FIRST lady. Translation: London Bridge is falling down, Falling down, Falling down, London Bridge is falling down, My fair lady.
by T.W.I.S.T.E.D at
4:10 PM
|
.:[ Friday, January 07, 2005 ]:.
e-Draft
I made Jun a lay-out for his own site. Under construction pa nga lang. Contact Arch. Reuben T. Manongdo for your architectural designs. Here is one of his recent designs. This building will be constructed near La Union National High School in San Fernando City, La Union
by T.W.I.S.T.E.D at
3:02 PM
|
.:[ Monday, January 03, 2005 ]:.
Kwentong New Year at New Year's Resolutions
Mga natutunan ko noong New Year:
- Bawal kumain ng manok dahil Year of the Green Rooster ngayon. Yan ang sabi ni Auntie Liling. Magagalit daw ang rooster. Kung kakain ka raw ng manok, magiging isang kahig-isang tuka ang buhay mo.
- 1 x 1 = 2.
Habang binabasa ang nabunot niyang number noong HYC New Year Party
Arianne(emcee): Ang next number ay nasa under B sa Bingo. Sagutin nyo ito: one times one? Dan (aka Pandong): TWO!!!! Sayang number 1 ako. (bwehehehehehe).
- I-night mode ang camera kung gabi na, dahil kung hindi, mangingislap ang mga mata ng subjects mo.

(Twinkle, twinkle little eyes!) - Huwag magpapa-picture suot ang red collared blouse na naka red visor dahil magmumukha kang crew sa fastfood. Lalong lalo na kung sa kusina ka pa magpapa-picture kasama ang boyfriend.

"Can I take your order, sir?"
Go Jason!! Masarap ang salad kasabay ng Mule at red wine. Di nga, masarap cya promise. 
Maboteng usapan ni Belen, Perla at Faye Heto pa ang mga kakatuwang pics kuha noong New Year's eve at New Year: 
The Hilltop Youth Club kids 
Si Mang Kepweng 
Extra Challenge, HYC Style. Ang sarap ng kape.

Nakaka-high ba ang kamatis at frutus candy, Leo? 
Ang sarap ng kamias! 
Anong klaseng pasas ito? 
Di ko kayang tanggaping maasim ang kamias. 
Spelling naman. 
Steve (Apple eating contest): Hindi kaya ito ang mansanas na lumason kay Snow white? 
Bring me------- dalawang kuto! 
Ang walang kamatayang Trip to Jerusalem Ang aking mga New Year*s Resolutions: - Mag-iipon na ako
- Magda-diet na ako. OO, totoo na ito ngayon. (Sinong niloko mo?)
- Mas maagang matutulog
Mas maagang magigising
Pahabol: Gusto kong magpasalamat sa mga sususunod na tao: - Kay Ate Vangie: sa nailcutter. Kahit 1 centimeter na kuko sa paa, kaya nyang putulin. Ang saya ko!
- Kay Ate Brenda: sa bulaklaking panyo. Ang bango-bango ng bulaklak.
- Kay Ate Raks: sa celfone accessory. Uy, tamang-tama, violet ang color of the year.
- Kay Jun: sa malaking medyas na pinalitan naman nya, sa Parker, sa red visor.
- Kay Josh and Humbi: sa asong stuffed toy. First time kong naglagay ng stuffed toy sa kama ko sa tanang buhay ko. Cute kasi e.
- Kay Maam Virgie: sa kumot. Ginagamit ko ngayon
- Kay Maam Minda: sa Bench tanga. Ang sexy ko kaya!
- Kay Hilda at Aunt Tessie: sa pinadala nyong isda at crabs, yum!
- Kay Cel at Xan: sa bag. Ang galling nyong tumayming. Hoy Xan, nabayaran mo na ba yung share mo sa gift ko? Baka singilin ka ulit ni Cel.
- Sa opisina: sa bonus na binigay na pinambili ko ng digital camera.
- At sa mga nakalimutan ko. Maraming salamat sa inyong lahat!!!
by T.W.I.S.T.E.D at
1:52 PM
|
|